For a better experience please change your browser to CHROME, FIREFOX, OPERA or Internet Explorer.
4 Tips sa Pagbebenta Ngayon Covid-19 Pandemic

4 Tips sa Pagbebenta Ngayon Covid-19 Pandemic

Nagsimula ang 2020 ng hindi natin inaasahan, maraming sa atin inaasahan na ito ang “best year ever”. Maraming nagbebenta at bumibili, mababa ang unemployment. Lahat tayo ay nagsasaya!

Then BOOM! Suddenly lahat ng ating mga plano 2020 ay bigla nalang naglaho dahil sa Covid-19 pandemic. Mga kumpanya nagsarado, hindi na kinayang mag operate after ng 3 months na lockdown. Tumaas ang unemployment rate. Sa kabilang banda dumami din ang mga nagbebenta online para makapagtawid sa pang araw-araw na pangangalilangan.

Sa pagbebenta ng produkto online sa panahon ng Covid-19 pandemic ito ang 4 na tips na aming gusto ibahagi sa inyo.

1. Maghanap ng “Buyers” imbes na taong pagbebentahan lang.

Meron malaking pagkakaiba ang “Buyer” at yung taong “Pagbebentahan lang”. Totoo na anyone na magaling sa “Sales” ay makapagbebenta ng lahat ng bagay ngunit hindi sa ganitong panahon ng pandemic, iba ang sitwasyon ngayon. Ano ba ang “Buyer”, ang “Buyer” ay isang tao na actively na naghahanap ng produkto or serbisyo. Ang approach na ito ay hindi gaano nakatutuok sa produkto or serbisyo na iyong inaalok kundi kung sino ang iyong ka-deal, makaka-save ka ng oras if naka-focus ka sa “Buyer”. Halimbawa nagbebenta ka ng serbisyo tungkol sa wedding ang target “Buyer” mo ay yung mga age 25-35 lalake o babae na “in-a-relationship”.

 

2. Add Value in Every Interaction

Do advance planning (e.g., calls or online meetings), alamin mo na may mga importanteng bagay na haharapin din ang iyong kausap at ginagawa nila ang paraan para maka-adapt sa “new normal”. Dapat maging conscientious tungkol sa oras na nagagamit sa pakikipag usap sa prospect, buyers and customers. Sa ganitong paraan nakakatulong ito na makabuo ng “Trust” at “Respeto”.

 

3. Connect More

We Filipino’s love to socialize and connect, pero dahil bawal lumabas ng lockdown at kahit naman ngayon ay limitado pa rin, maraming paraan ang puwede natin magawa to “connect”. Isa na dito ay ang paggamit ng mga “Online Meeting Services” gaya ng Zoom or Facebook Messenger. Thru social media at Bentahero.com puwede ninyo i-offer ang inyong mga produkto o serbisyo.

 

4. Be patient

Hindi madali ang pinagdadaanan nating lahat (buong mundo), hindi permanente itong Covid-19 pandemic, ito ay ating malalampasan. Sa sales hindi madaling maging patient lalo na kung bumababa ang benta or walang maibenta. Sabi nga sa hirap o ginhawa ang proseso ang tutulong sa atin makalampas sa mga pagsubok.

Iba ang panahon ngayon ngunit hindi ito ang wakas. Maraming oportunidad para mag evolve at mag-grow. Huwag huminto sa iyong ginagawa, kailangan mo lang magtiwala sa proseso, mag-adjust at maging patient.

Top